Wallpaper Engine sa Android

I-download ang libreng Wallpaper Engine app para sa Android at ilipat nang wireless ang kasalukuyang koleksyon mo ng wallpaper sa telepono o tablet.

Mga madalas itanong tungkol sa Wallpaper Engine para sa Android

Anong mga device ang sinusuportahan?

Sinusuportahan ng Wallpaper Engine ang lahat ng telepono at tablet na tumatakbo sa Android 10 pataas.

Puwede ba akong maglagay ng wallpaper sa Android lock screen?

Depende ito sa device mo. Hindi pinapayagan ng ilang manufacturer ng Android device ang live na wallpaper sa lock screen. Kung supported ito ng device mo, kusang lalabas ang opsyon.

Nakakaapekto ba sa baterya ang Wallpaper Engine sa Android?

Napakaliit ng epekto nito sa baterya. Tumatakbo lang ang Wallpaper Engine habang nakikita ang wallpaper. Sa settings ng app, puwede kang pumili ng antas ng kalidad at maglagay ng FPS limit. Puwede rin nitong awtomatikong i-pause ang mga wallpaper kapag naka-on ang power saving mode, para ikaw ang magdesisyon sa balanse ng kalidad ng larawan at tagal ng baterya.

Paano ako makakadagdag ng wallpaper sa app?

Dahil sa teknikal na limitasyon, hindi puwedeng mag-download ang Wallpaper Engine sa Android ng bagong wallpaper nang diretso mula sa Steam Workshop. Sa halip, ilipat ang koleksyon mo nang wireless papunta sa telepono mula sa Wallpaper Engine sa computer.